SI Dimples Romana ang kakuntsaba ni Neil Arce para makuha ang ring size ng fiancee niyang si Angel Locsin.

Nalaman ang tungkol dito nang mag-post si Dimples ng litrato nila ni Angel sa taping ng Lobo at may caption na, “Mahal kong Lyka @therealangellocsin you will always be my beloved Huling Bantay. It has been a complete honor and privilege to have journeyed through this life beside you.For now, your Gabay, Trixis will sign off bilang tagapangalaga mo. Kasi dumating na siya. Eto na ‘yung mag-aalaga sayo pang habambuhay. @neil_arce love you both to the moon and back (pun intended)

“P.S Dito lang ako. Magpapakadragon muna ako. Labyu.”

Biglang sumagot si Angel ng, “Hooooy! ‘Di ka pwedeng mag-sign off! Marami ka pang duties sa akin. Hehehe. Dito ka lang sa tabi koooo.” Sumagot naman agad si Dimples ng, “@therealangellocsin okay okay sige. I take it back. #madalingkausap.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nag-comment din si Neil ng, “Salamat sa lahat especially sa pagkuha ng ring size niya” na agad namang sinagot ni Dimples ng, “@neil_arce Oo, you’re welcome. ‘Yun ang pinakaimportante, ang tama ang ring size paki-credit din ‘yung pagiging bff/listener/shock absorber ko sayo from the day you decided to get a ring until naibigay ‘yung ring. Thank you.”

Wala pang in-announce na wedding date sina Neil at Angel, pero ngayon pa lang, ang feeling ng marami, ang wedding ng dalawa ang isa sa pinakamalaking kasal ng celebrities at siguradong marami ang magiging bisita nila.

-NITZ MIRALLES