“THERE’S more to life, it’s sad, but not everything in life works your way. There are ups, there up downs, and the ups feel better, I guess, if you have more downs. And I’m gonna be up again, I’m sure,” sabi ni Derek Ramsay sa mediacon ng first teleserye niya bilang isang Kapuso, ang The Better Woman.
Pero iyong six years ng buhay niya na kasama si Joanne Villablanca ay isang magandang bahagi ng buhay niya, na itse-cherish niya in his heart. “And looking back, I can smile about it.”
“It’s sad that it didn’t work out between me and Joanne, but she has already has a direction in her life. I’m happy for her, she has found something that she’s really passionate about. Siguro puwede kong sabihing nakatulong ako sa kanya, and I’m happy for her.”
Nakatulong nga raw si Derek kay Joanne sa bagong direction ng career nito, ang maging media influencer.
Nilinaw na rin ni Derek na wala talagang third party sa paghihiwalay nila ni Joanne. Nahiya nga raw siya kay Andrea Torres nang ito ang iturong dahilan ng break-up, kaya kinausap niya agad at nag-sorry sa sexy actress na katambal niya sa The Better Woman.
“Nakakahiya kay Andrea na nagkataon namang nagsimula na kaming mag-taping ng aming passionate love story sa primetime ng GMA. Andrea understood, she’s a wonderful girl, a wonderful leading lady. And I’m very thankful to her.
“Basta ngayon, ang focus ko ay ang aming teleserye dahil magsisimula na kaming mapanood sa Monday, July 1. World premiere namin sa telebabad, after ng epic serye na Sahaya.”
Kung bakit ganoon ka-passionate ang mga eksena nila, dual role si Andrea, si Jasmine, ang mabait niyang asawa at as Juliet na kakambal ni Jasmine, palaban ito at mai-inlove si Juliet kay Derek.
Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz ang The Better Woman. Kasama rin nila rito sina Jaclyn Jose, Ina Feleo, Marco Alcaraz, Ashley Rivera, Paolo Paraiso at Francis Makil.
-NORA V. CALDERON