INAMIN na ng Kapamilya actor na si Joseph Marco na nagde-date sila ni Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortessi, matapos na kumalat online ang mga larawan nila na magkasama, dalawang buwan na ang nakakaraan.

In fact, nasa estadong “getting-to-know-each other” pa lang sina Celeste at Joseph.

Pag-amin ng aktor, “We’re dating and we’re not rushing, we’re just getting to know. You know, madalas ko siyang maka-hang out.”Sa nasabi ring panayam, sinabi ni Joseph na nagpapasalamat siya at nakasama siya sa cast ng Los Bastardos, na halos taon na ring umeere sa ABS-CBN, under RSB Team ni Direk Ruel S. Bayani.

Base sa kanyang karanasan, sinabi ni Joseph na it became a motivation to be part of the teleserye where his co-actors have competitive fit bodies.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“More than pressure, it’s more of like motivation, kasi alam ko na ‘yung mga cast ng Los Bastardos, especially Jake (Cuenca), he’s a good friend of mine. So parang mas namo-motivate.

“Nung sinabihan ako na papasok ako [sa cast], during Christmas day and New Year, nag work-out talaga ako. I needed to step up,” ani Joseph.

Sa nasabing serye, ibinida niyang si Ritz Azul ang kanyang leading lady.

“It was a surprise kasi hindi naman namin inexpect na ipe-pair talaga kami. It was parang experiment lang siya. People reacted to it, so we’re just thankful na may pinupuntahan ‘yung pinaghihirapan namin.

“Masarap ka-work si Ritz. Wala siyang arte at ang gaan niya katrabaho. Saka kita mo sa kanya ‘yung pagiging professional niya. Kapag kailangan gawin ‘yung scene, gagawin niya talaga,” pagtatapos ni Joseph.

-Ador V. Saluta