Finally, ikakasal na si Angel Locsin!
Nagulat ang lahat ng kaibigan at ang 5.5 milyong Instagram followers ng 34-anyos na Kapamilya actress nang biglang ipinost ng aktres, bandang 4:00 pm, ang engagement niya sa movie producer-businessman na si Neil Arce.
Nag-post si Angel ng litrato habang suot ang malaking diamond ring, at si Neil ay nasa background. Ang caption: “Surprise of my life.”
Sinundan ito ng litratong nakatakip ang kaliwang kamay ni Angel sa ibabang bahagi ng kanyang mukha, at malinaw na makikita ang suot niyang engagement ring, habang nakatingin kay Neil.
Caption niya, “I said YES (heart emoji).”
At ang huli ay nag-kiss ang dalawa at muling ipinakita ni Angel ang singsing habang itinuturo ito ni Neil: “We’re engaged! Waaaaaaahhh!”
Inisip namin na baka matagal nang engaged ang dalawa dahil alam namin ay nasa ibang bansa ang aktres para sa TFC Kapamilya show ng The General’s Daughter.
Tinext namin ang aktres.
“Happy for you, finally. So kelan ang big day? Sa’n nag-propose?”
“Salamat, ate!!! Kwento ko soooon!,” sagot sa amin ni Angel.
Hirit namin, “Exciteeed, dito ba nag-propose? Eh, ‘di ba nasa ibang bansa ka?”
“Nasa Pinas na po!,” bilis ding sagot ng aktres.
Kelan nga ba nangyari ang proposal?
“Chika ko next time, nasa work lang po and sending thank you messages, he he he,” say ng dalaga.
Samantala, dalawang oras ang nakalipas matapos ang nasabing post ay umabot na sa 11,894 ang komento, na halos iisa ang nilalaman, ang ‘congratulations!’ nila para kina Angel at Neil, na umabot na ng 265,092 likes, as of writing.
Mula sa pahayagang BALITA, binabati namin sina Angel Locsin at Neil Arce! Congrats!
Reggee Bonoan