TATANGKAIN ng walang talo at 23-anyos na si Mark Vicelles na maagaw ang world rankings ni Philippine light flyweight champion Jessie Espinas sa kanilang 10-round na sagupaan sa Hulyo 8 sa Panphil B. Frasco Memorial Sports Complex, Liloan, Cebu.

May kartadang 10 panalo at 1 tabla na may 5 pagwawagi sa knockouts, pipiliting magwagi ni Vicelles sa 26-anyos na si Espinas na natalo lamang sa puntos sa huling laban nito nang hamunin si undefeated OPBF light flyweight champion Edward Heno noong nakaraang Agosto 11 sa San Pedro, Laguna.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Beterano si Espinas sa matitinding laban at nakuha niya ang WBO Oriental light flyweight belt noong Pabrero 26, 2016 sa Surin, Thailand nang palasapin ng unang pagkatalo via 8th round TKO ang matagal din naging PABA light flyweight champion na si Pai Pharob na hindi na muling lumaban muna noon.

Nakalista si Espinas na WBC No. 14 at IBF No. 15 sa junior flyweight rankings at may kartadang 19 panalo, 3 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts. Gilbert Espeña