P842.5M ibinigay ng PAGCOR sa PSC

NAKIBAHAGI ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa paghahanda para masiguro ang tagumpay ng hosting sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

TINANGGAP ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang tseke na naglalaman ng P842.5 milyon mula kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo (ikatlo mula sa kanan) bilang ayuda sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre. Nakiisa sa simpleng seremonya sina (mula sa kaliwa) PAGCOR Director Reynaldo Concordia, President and COO Alfredo Lim, Director Gabriel Claudio at PSC Executive Director Merlita Ibay.

TINANGGAP ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang tseke na naglalaman ng P842.5 milyon mula kay PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo (ikatlo mula sa kanan) bilang ayuda sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian Games hosting sa Nobyembre. Nakiisa sa simpleng seremonya sina (mula sa kaliwa) PAGCOR Director Reynaldo Concordia, President and COO Alfredo Lim, Director Gabriel Claudio at PSC Executive Director Merlita Ibay.

Ipinagkaloob ng PAGCOR – ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa gaming industry – ang kabuuang P842.5 milyon sa Philippine Sports Commission (PSC) para magamit sa pagsasaayos ng pasilidad sa Rizal Memorial Sports Center sa Manila, Philsports sa Pasig City, PSC Center sa Baguio City at iba pang nasa pangangasiwa ng ahensiya para magamit sa SEA Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Personal na iniabot ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, kasama sina President and COO Alfredo Lim at Directors Reynaldo Concordia at Gabriel Claudio, ang tseke kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kasama si Executive Director Merlita Ibay sa simpleng seremonya nitong Miyerkoles sa PAGCOR Executive Office sa Manila.

Mahigit apat na buwan na lamang ang paghahanda para sa pagbubukas ng pinakamalaking sports event sa rehiyon na isasagawa sa bansa sa ika-apat na pagkakataon. Kabilang sa kinakailangang maisaayos ang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum, baseball stadium, football stadium at ang Rizal Memorial track and field gayundin ang Ninoy Aquino Stadium at Philspsorts Complex Multipurpose Arena.

Kabilang ang naturang venues sa gagamitin ng mga atleta at magsisilbing headquarters ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

“The aid given to us by PAGCOR is priceless. The rehabilitation of the facilities for the SEA Games is an important contribution to Philippine sports as it will help improve the performance of our athletes and change the picture of local athletics. Napakalaking bagay nito para sa amin,” pahayag ni Ramirez.

Ang naturang halaga na bigay ng PAGCOR sa PSC ay hiwalay sa buwanang budget na ibinibigay ng ahensiya sa sports commission batay sa batas na nagtatag sa PSC.

Mandato ng PAGCOR na ibigay sa PSC ang limang porsiyento sa buwanang kita ng ahensiya para matustusan ang sports development program ng bansa. Pinuponduhan din ng PAGCOR ang pagbibigay ng insentibo sa mga atleta batay sa ‘Sports Benefits and Incentives Act’.

-Annie Abad