Paghahati-hatian ng 23 katao ang P1-milyon pabuya na alok ng lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu City sa paglutas sa kaso ng brutal na pagpatay sa 16-anyos na si Cristine Silawan noong Marso.

REWARD

Natanggap na ng Lapu-Lapu City Police Office (LLCPO), sa pangunguna ni Col. Limuel Obon, ang P1-milyon tseke mula kay outgoing City Mayor Paz Radaza.

Isa sa mga mababahagian ng pabuya ay ang live-in partner ni Renato Llenes, ang umaming pumatay kay Silawan.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

“She was the one who helped us prove that Llenes was the owner of the two fake Facebook accounts that he used to befriend the victim,” ani Col. Obon.

Matatandaang natagpuan ang walang damit pang-ibaba, tadtad ng saksak, at binalatan ang mukha na bangkay ni Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu noong Marso 11.

Nadakip si Llenes ilang araw matapos ito at inako ang pagpatay.

Ayon kay Obon, nakadepende sa halaga ng impormasyong ibinahagi ng informant ang mapaparte nito sa pabuya.

“They are divided into three groups. One group helped us identify the owner of the Facebook accounts that the suspect used to dupe the victim. There was a group who helped us confirm that the man captured in security camera footage together with the victim was Llenes. Another group also helped us pinpoint the location of the suspect,” pahayag ni Col. Obon.

Aniya, makikipag-ugnayan ang LLCPO, kasama ng iba pang grupo o indibiduwal, na nag-alok ng pabuya sa kaso.

Kabilang sa mga nangako ng pabuya sina Office of the Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Dino (P100,000), Philippine Postal Corp. Chairman Norman Fulgencio (P100,000), ang Cebu Provincial Council for the Welfare of Children (P200,000), Police Regional Advisory Council (P100,000) at isang American retiree na nakabase sa Ormoc City (P500,000).

Siniguro naman ni Col. Obon na matatanggap ng mga sibilyan ang pabuya.

"I want to make it clear that no police officer will be getting a single centavo," aniya.

Sinampahan na ng kasong murder si Llenes ngunit nag-plead ito ng not guilty sa arraignment noong Hunyo 7.

Iginiit ni Llenes na aamin lang siya na guilty sa isang homicide charge, at hindi sa murder, na isang non-bailable offense.

-Calvin D. Cordova