KIPKIP ang pananabik kay Kiefer Ravena sa kanyang unang pagsabak sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Aniya, pipilitin niyang makabawi at muling pabaguhin ang basketball career matapos ang 18 buwan suspensiyon na ipnataw sa kanya ng FIBA bunsod ng pagpositibo sa ipinagbabawal na substance.

Lumutang ang pangalan ni Ravena sa Gilas Pilipinas na naghahanda sa pagsabak sa FIBA World Cup matapos humingi ng bakasyon si Jayson Castro.

“This experience has made me tougher, hungrier and a lot wiser,” pahayag ni Ravena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s a long and crazy process but we’ll go through it again together every step of the way,” aniya.

Umaasa si Ravena na makasama sa World Cup na nakatakda sa Aug. 31 hanggang Sept. 15 sa China.

Nakatakda muling sumabak sa ensayo si Ravena sa Martes sa FCL Gym sa Quezon City.

-Jonas Terrado