Patay ang tatlong call center agents at 11 iba ang sugatan nang mawalan ng preno, bumangga at bumaliktad ang sinasakyan nilang van sa Camiguin nitong Sabado, bandang 4:30 ng hapon.

Ayon kay Lieutenant Coronel Roy Bahain, hepe ng Camiguin Provincial Police Office (CMPO), nawalan ng preno ang puting Toyota Hi-Ace van sa Sition Quipasa, Barangay Polacation sa Mambajao sa nasabing lalawigan.
Dead on the spot ang tatlo, 10 ang matinding nasugatan habang minor injuries ang natamo ni Joy Sobremisana, driver ng van.
Ayon naman kay Police Captain Arnold Gaabucayan, hepe ng MMPS, galing ang van sa Camiguin para sa team building, at ilan sa mga biktima ay kaanak ng call center agents, ng IBEX Global Davao.
-Fer Taboy