TINALO ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. kontra si Fide Master David Elorta,4-3, para sa manalo sa kanilang match-up sa Rapid Chess Face Off nitong Sabado kaalinsabay ng pagdaraos ng FIDE Rated Orbe Rapid Chess Cup na ginanap sa third floor League One Southgate Mall (formerly Alphaland Southgate Mall), malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.

Sa katunayan ay nakuha agad ng 13-times national open champion na si Antonio ang 3.5-0.5 commanding lead bago nakahabol si Elorta at naitapyas ang laban sa 3-5-2.5. Nagawa ni Antonio ang ma idraw ang laban niya kay Elorta para manalo sa match via 4-3 count.

Ating magugunita na si Antonio ay dinaig si Italian International Master Spartaco Sarno sa 11th at final round matapos ang 51 moves ng Caro-kann-French defense transposition skirmish para maiuwi ang runner-up honors sa 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) na ginanap sa Acqui Terme, Italy dalawang taon na ang nakalilipas

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!