SA nakaraang episode ng Tonight with Boy Abunda, may isang netizen na nagpakilalang KathNiel fan pero suportado raw nito ang latest na tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards na bida sa pelikulang Hello, Love, Goodbye. Hindi pa man ipinalalabas ang nasabing pelikula ay nagtanong na ang fan kung may susunod nang project for KathNiel.

Kathryn at Alden

“Support naman po ako sa KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards), pero ano na po ang next for KathNiel?,” tanong ng fan.

Sinagot ni King of Talk Boy Abunda ang netizen. Una, inamin ni Tito Boy na maging siya ay fan ng KathNiel.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Hindi po lingid sa inyong kaalaman that I’m a big fan of DJ and Kath. Gusto ko magkasama sila sa tunay na buhay, personal saka sa propesyonal na kanila pong mga ginagawa,” ani Tito Boy.

Pero kahit na fan si Tito Boy ng KathNiel ay alam daw niyang para rin sa ikakabuti ng dalawa ang magkaroon ng separate projects.

“Tanggap ko na mas makabubuti po sa kanilang dalawa na gumawa rin ng separate projects. As actors, they need to grow individually,” sabi pa ni Tito Boy.

Napanood na raw ni Tito Boy ang ilang eksena sa Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan at pinuri ng batikang host ang naging performance ni Kathryn sa pelikula.

“Get ready for Kath’s greatest performance,” ang sabi ni Tito Boy.

Isa raw sa mga pinakamahuhusay na performance ni Kathryn ang mapapanood sa Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema na ipalalabas na sa mga sinehan sa July 31.

Ni NITZ MIRALLES

-ADOR V. SALUTA