IBINAHAGI kamakailan ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MENRE-BARMM) na umabot na ang tree seedling reserves ng rehiyon sa halos isang milyon.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month, nagdaos ang mga Environment officials at mga empleyado ng isang soil- bagging activity at nursery sa Barangay Dimapatoy, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

“It (soil bagging) is a continuing effort is to prepare the young trees for future tree-planting events in the region,” pahayag ni MENRE-BARMM Minister Abdulraof Macacua.

Upang masiguro ang tuloy-tuloy na paglago ng regional seedling nursery, nangako si Macacua at ang iba pang environment worker na magpapatuloy sa pagpapaunlad ng nursery kasama ng iba pang seedling nurseries sa bahagi ng Bangsamoro region.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Soil-bagging activities would be considered a part of the ministry’s greening program amid the effects of climate change,” ani Macacua.

Ayon kay Macacua, regular niyang bibisitahin ang mga seedling nurseries sa rehiyon upang mataya at matukoy ang mga kailangan ng mga nursery sites at gawin ang aksiyon para sa pagpapaunlad nito.

Ang BARMM ay binubuo ng mga probinsiya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at mga lungsod ng Cotabato, Marawi at Lamitan.

Noong 2014, tagumpay ang Department of Environment and Natural Resources–Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pangangalaga at pamamahagi kalaunan ng isang milyong tree seedlings sa rehiyon sa pamamagitan ng regional tree seedling nursery.

PNA