TIYAK na bibigyan ng magandang laban ni promoter Jimmy Burchfiel ng CES Boxing si super bantamweight Neil John Tabanao kapag nagwagi ang Pinoy boxer sa ikalawang sunod na laban niya sa United States laban sa walang talong si Tramaine Williams sa Hunyo 29 sa Foxwood Resort, Mashantucket, Connecticut.

Dapat na hinamon ni Tabanao si Philippine super bantamweight champion Mark Anthony Geraldo nitong Mayo 11 sa Davao del Norte ngunit nakansela ang kampeonato sa hindi malamang dahilan.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sa kanyang huling laban, natalo si Tabanao sa 10-round unanimous decision sa wala ring talong boksingero ng Golden Boy Promotions na si Angelo Leo noong nakaraang Abril 5 sa Las Vegas, Nevada kaya umaasa siyang makababawi laban kay Williams.

May perpektong rekord si Willliams na 17 panalo, 6 lamang sa pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tabanao na may 17 panalo, 5 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña