Laro sa Martes (Ynares Sports Arena, Pasig)

Game 3 of Best-of-3 Semis

4:00 n.h. -- CEU vs St. Clare College Virtual Reality

BUMAWI ang St. Clare College Virtual Reality sa eight-man Centro Escolar University, 84-50, nitong Huwebes para maipuwersa ang winner-take-all sa kanilang semifinal duel sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hataw si Malian center Mohammed Pare sa naiskor na 17 puntos, 15 rebounds, at apat na blocks, habang kumana si Darwin Lunor ng 14 puntos at 11 boards para sa Saints.

Magtutuos ang dalawa sa deciding Game 3 sa Martes.

Nauna nang umusad sa Finals ang Cignal-Ateneo matapos walisin ang serye laban sa Valencia City Bukidnon-SSCR, 100-73.

Nanguna si Thirdy Ravena sa Blue Eagles sa naiskor na 19 puntos, limang rebounds, limang assists, dalawang steals, at isang block.

Kaagad na humaribas ang St. Clare laban sa tinaguriang ‘Cinderella squad’ sa naitarak na 23 puntos na bentahe, 32-9. Umabot sa pinakamalaking 34 puntos ang kalamangan ng Saints.

"Alam ko na amin na eh kaya maga-adjust kami sa kung anong pwede pa ma-adjust at paghahandaan namin sila," pahayag ni St. Clare coach Jinino Manansala.

Kumabig si Franz Diaz ng 17 puntos para sa Scorpions, habang tumipa si Kurt Sunga ng 14 puntos at pitong rebounds.

Nalimitahan si Senegalese big man Maodo Malick Diouf sa pitong puntos, habang hataw sa rebounds na may 22.

"Everything that we're doing is in preparation for the UAAP. It's a big help for us entering the Finals, but we can't be happy with just that," sambit nbi Ateneo coach Sandy Arespacochaga.

Iskor:

(Unang Laro)

CIGNAL-ATENEO (100) -- Ravena 19, Go 13, Kouame 12, Andrade 11, Ma. Nieto 9, Mendoza 8, Belangel 8, Mi. Nieto 7, Daves 6, Wong 4, Tio 3, Navarro 0, Credo 0.

VALENCIA-SSCR (73) -- Ilagan 22, Capobres 14, Calma 13, Bonleon 8, Are 6, Villapando 3, Tero 3, Sumoda 2, Altamirano 2, Dela Cruz 0, Desoyo 0, Calahat 0, Bulanadi 0, Loristo 0.

Quarters: 19-28, 50-45, 78-52, 100-73.

(Ikalawang Laro)

ST. CLARE (84) -- Pare 17, Lunor 14, Hallare 11, Fontanilla 11, Penaredondo 11, Rubio 7, Palencia 5, Santos 2, Rivera 2, Manacho 2, Tiquia 2, Ambulodto 0, Fuentes 0, Decano 0.

CEU (50) -- Diaz 19, Sunga 14, Diouf 7, Santos 5, Guinitaran 5, Bernabe 0, Abastillas 0, Intic 0.

Quarters: 14-7, 36-19, 60-30, 84-50.