BASE sa mga nababas a naming comments , si Derek Ramsay ang sinisisi sa paghihiwalay nila ni Joanne Villablanca. Kahit hindi pa alam ang real story sa break-up ng ex-couple, na-judge na si Derek; kasalanan daw niya ang nangyari.
May nag-comment na nagsawa na si Derek sa relasyon nila ni Joanne, at ang aktor daw ang nakipaghiwalay.
May naniwala namang na-pressure si Derek na baka humingi na ng kasal si Joanne, kaso hindi raw marrying type ang aktor, kaya hiniwalayan siya ni Joanne.
Bakit hindi muna natin hintayin na magsalita ang dalawa sa rason ng break-up nila bago tayo mag-judge? Iyon ay kung magsasalita si Derek, although inamin na niyang break na nga sila ni Joanne.
A l s o , k a h i t wa l a n g kinalaman si Andrea Torres sa break-up ng dalawa, damay pa rin siya, dahil leading lady siya ni Derek sa primetime series nila sa GMA-7 na The Better Woman. Idagdag pa na si Andrea ang kasama ni Derek sa British Embassy Party to celebrate the Queen of England’s 93rd birthday.
P a r a h i n d i s i y a ma-bash, disable ang comment box ng Instagram ni Derek. Samantalang nitong Huwebes lang ay open pa ang IG niya, at libre pang mag-comment ang kanyang followers at netizens.
-NITZ MIRALLES