ITINAKDA ng walang talong Bacoor Strike sa Serbisyo at ng second-seeded Taguig ang kanilang pagtatagpo para sa South Division Finals makaraang manaig sa kani-kanilang katunggali sa semifinals nitong Huwebes ng gabi sa Metro League Reinforced (Second) Conference sa Bacoor Strike Gym sa Cavite.

Kapwa may twice-beat-incentives, dinomina ng top seed Strikers ang Pasigueño , 86-68, habang pinadapa ng second-ranked Generals ang Solid San Juan, 110-75,upang umusad sa South Division championship ng Metro League na sinusuportahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.

Magtutuos ang Bacoor Strike sa Serbisyo at Taguig sa winner-take-all South Division finals sa Martes.

Pinangunahan nina Prince Orizu at RJ Ramirez ang nasabing ika-10 sunod na panalo ng Bacoor matapos umiskor ng tig-15 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna naman si Eugene Toba Okwucukwu na umiskor ng 24 puntos, 11 rebounds, 2 steals at 3 blocks para sa fourth-seeded Pasiguenos.

Kumana si dating PBA player Jonathan Uyloan na nagposte ng 22-puntos, 6 rebounds at 5 assists para sa Taguig kasunod si Grevannie Rublico na may 21 puntos at import Emmanuel Ojuola na may 14 puntos at 10 rebounds.

Pinamunuan naman ni Michael Cañete ang third seed Solid San Juan sa nagsilbing huli nilang laro sa second conference ng ligang itinataguyod din ng Gerry’s Grill, Summit Water, Alcoplus, Nature’s Spring at Goodfellow katulong ang SMS Global Technologies, Inc. bilang official livestream and technology partner, Spalding bilang official ball, Team Rebel Sports bilang official outfitter, PLDT bilang official internet service provider at Manila Bulletin bilang media partner.

Iskor:

(Unang Laro)

Taguig (110) — Uyloan 22, Rublico 21, Ojuola 14, Gilbero 11, Francisco 11, Gozum 10, Olivera 7, Sampurna 6, Lontoc 5, Guiyab 2, Caduada 0, Mayo 0, Monte 0, Subrabas 0, Alcantara 0

San Juan (75) — Canete 15, Castro 14, Miller 9, Dada 8, Ejercito 7, Elarmo 7, Acol 6, Clarianes 5, Matias 2, Abanes 1, Astrero 1, Danas 0, Saret 0

Quarterscores: 24-21, 53-36, 86-53, 110-75

(Ikalawang Laro)

Bacoor Strike sa Serbisyo (86) — Orizu 15, Ramirez 15, Castro 10, Doligon 10, Descamento 8, Mabulac 8, Pangilinan 7, Montuano 6, Aquino 3, Acuna 2, Miranda 2, Malabg 0, Maligon 0

Pasigueno (68) — Owkuchukwu 24, Gatchalian 12, Koga 12, Gaco 9, Sorela 5, Jacinto 4, Doroteo 2

Quarterscores 28-13, 46-34, 69-53, 86-68