Masusing iniimbestigahan ang pagpatay at umano’y panggagahasa ng hinihinalang Akyat Bahay member sa isang 18-anyos na babae sa Quezon City.

Kinilala ni PLt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station (PS6), ang biktima na si Allison Dacillo y Marcus, Grade 10, ng Quezon City.

Natagpuan si Dacillo na duguang nakahandusay at walang pang-ibabang saplot sa loob ng kanyang kuwarto.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, nakita nina Aloneth Alba at Marivic Goloy, kapwa kaibigan ng biktima; at Joseph, kapatid ng biktima, ang bangkay ni Allison, bandang 5:30 ng hapon nitong Biyernes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa Scene on the Crime Operation (SOCO), ang biktima ay may malalim na saksak sa leeg, kaliwang kamay, at katawan.

Jun Fabon