SASABAK ang Philippine Under-22 Men’s National Football Team sa 2019 Merlion Cup simula ngayon Singapore.
Ang partisipasyon ng koponan sa nasabing torneo ay bahagi ng kanilang ginagawang paghahanda para sa darating na Southeast Asian Games na idaraos sa bansa simula Nobyembre 30.
Pangungunahan ang National Under 22 squad ni 2 -time UAAP champion at 2-time UAAP MVP Jarvey Gayoso ng UAAP Season 81 titlist Ateneo Blue Eagles. Kasama ni Gayoso ang kanyang mga Ateneo teammates na sina AJ Arcilla at William Grierson.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Michael Asong (San Beda), Miggy Clarino (UP), Major Dean Ebarle (Mendiola FC),Pete Andrei Forrosuelo (FEU), Viejay Frigilliano (FEU), Christian Lapas (UP), Jerome Marzan (San Beda), Dane Saavedra (UP), Lorenzo Sabado Jr. (San Beda), John Renz Saldivar (FEU), Ray Sanciangco (UP), JB Borlongan (UP), Joshua Broce (NU), Dylan De Bruycker (Ceres Negros FC), Dimitri Limbo (Sunderland RCA FC), Kyle Magdato (UP), King Miyagi (UP) at Shanden Vergara (DLSU).
Gagabayan sila ni UP coach Anto Gonzales kasama si Marlon Maro na magsisilbing team manager. Unang makakatunggali ng Nationals sa kanilang unang laban ang host Singapore ngayong 7:30 ng gabi sa Jalan Besar Stadium.
-Marivic Awitan