Inihain ngayong Biyernes sa Korte Suprema ang ikatlong petisyon laban sa plano ng Metropolitan Manila Development Authority na ipagbawal ang mga provincial buses sa EDSA.

(kuha ni Czar Dancel)

(kuha ni Czar Dancel)

Gaya ng dalawang unang petisyon, hiling ng kasong isinampa ng Bayan Muna, at ng ilang kongresista, na magpalabas ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) laban sa Regulation No. 19-002 ng MMDA.

Una nang sinabi ng MMDA na layunin ng regulasyon na maibsan ang matinding trapiko sa EDSA, at kalaunan, sa buong Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang ikatlong petisyon, na inihain ni Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at ng ilang kasapi ng Makabayan Bloc ng Kamara, ay inaasahan nang isasama sa unang dalawang petisyon na isinampa nina AKO Bicol Party-list Reps. Ronald Ang at Alfredo Garbin Jr., at ni Albay Rep. Joey Salceda.

Nauna nang ipinasya ng SC na talakayin ang dalawang unang petisyon sa Hunyo 25.

Iginiit sa ikatlong petisyon sa SC na ang MMDA “exceeded its powers” nang ipalabas nito ang nasabing regulasyon “because it does not possess legislative nor police powers”.

Nag-dry run na ang provincial bus ban noong Abril 23, 2019 pero sinuspinde ito ng MMDA nitong Mayo 6, at inaming kailangang masusi pa itong pag-aralan bago maipatupad.

-Rey G. Panaligan