MASUSUBOK si Filipino super bantamweight Neil John Tabanao sa ikalawang sunod na laban sa United States laban sa walang talong si Tramaine Wiiliams sa Hunyo 29 sa Foxwood Resort, Mashantucket, Connecticut.

Dapat na hinamon ni Tabanao si Philippine super bantamweight champion Mark Anthony Geraldo noong nakaraang Mayo 11 sa Davao del Norte ngunit nakansela ang kampeonato sa hindi malamang dahilan.

Sa kanyang huling laban, natalo si Tabanao sa 10-round unanimous decision sa wala ring talong boksingero ng Golden Boy Promotions na si Angelo Leo noong Abril sa Las Vegas, Nevada kaya umaasa siyang makababawi laban kay Williams.

May perpektong rekord si Willliams na 17 panalo, 6 lamang sa pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tabanao na may 17 panalo, 5 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña