PAGKAKALOOBAN ng mga benepisyo ang mga golf caddie matapos aprubahan ng Kamara ang House Bill 9160 na nag-aatas sa golf clubs na bigyan sila ng “social security and welfare benefits.”

Sa panukalang akda ni Rep. Mark Go (Lone District, Baguio City), inoobliga ang pangasiwaan ng bawat golf club na ma-accredit ang golf caddies at iba pang service workers na nagsisilbi sa golf players ng kanilang golf club.

Dapat na maging saklaw ng Social Security System, Home Development Mutual o PAG-IBIG Fund at Philhealth, ang lahat ng golf caddie at manggagawa sa golf club matapos na sila’y bigyan ng accreditation ng golf management.

Ang pagbabayad ng kontribusyon kada buwan ng SSS, Pag-IBIG Fund at PhilHealth ay paghahatian ng golf caddies at ng golf club management alinsunod sa umiiral na alituntunin at regulasyon.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

-Bert de Guzman