TRADISYON na sa delegasyon ng Pinoy sa Southeast Asian Games na palagiang may medalya ang boxing – anuman ang kulay nito.
Sa ikaapat na pagkakataong host ang bansa sa biennial meet para sa ika-30 edisyon sa Nobyembre, kumpiyansa si Alliance of Boxing Associations of the Philippines (BAP) secretary-general Ed Picson sa tiyansa ng Pinoy fighters.
“Everything is going well. Maganda ang training ng mga boxers natin at talagang pursigido sila na manalo ng golds sa SEA Games,” pahayag ni Picson sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.
“There are 13 events in the SEAG — eight in men and five in women’s divisions. Mahirap sabihin kung ilang gold medals ang kaya natin, pero nasa atin yun homecourt advantage,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.
Mabigat ang laban, pag-amin ni Picson.
“We can’t take them lightly. Madami na din magagaling. Kung dati yun SEA Games parang dual meet lang ng Philippines at Thailand, ngayon iba na. Malalakas na rin yun mga kalaban, pati Indonesia at Vietnam at isa pang bansa, na sa abroad din nag-training,” sambit ni Picson.
Iginiit ni Picson na puspusan na ang paghahanda ng mga atleta at ilan na ang sumagupa sa abroad para madetermina ang komposisyon ng koponan sa Setyembre.
“Definitely, we’ll hold a series of qualifying competitions. We do not want to just handpick the members of the national team,”pahayag ni Picson.
Ilan sa matunog na pangalan na makakasama sa Team Philippines sina Felix Marcial at Josie Gabuco, kapwa nagwagi ng gintong medalya sa nakalipas na India Open, gayundin si Carlo Paalam, nagwagi naman ng bronze sa naturang kompetisyon.