Dear Manay Gina,

Isa sa kasamahan ko sa trabaho ay kabit ng aming boss. Tanggap ko na sana ito, kung hindi napeperhuwisyo pati ang aking tra­baho, dahil sa akin bumabagsak ang mga gawaing nakakaligtaan niya. Madalas kasi siyang late sa pagpa­sok at umaalis din nang maaga.

Okey lang kaya kung isumbong ko ang kanilang relasyon sa aking mga kasamahan at sa ibang na­kakataas sa aming boss?

--Joy

Dear Joy,

Obligasyon mong ipagbig­ay-alam sa nakatataas ang pag­kukulang ng iyong kasamahan sa trabaho, pero huwag sa iyong boss na kanyang kar­elasyon. At kapag nag-report ka tungkol sa kanya, huwag mo nang isama ang kanilang mal­ing relasyon. Sa halip, ang banggitin mo lamang ay ang kanyang pagkukulang sa tra­baho upang hindi ka maipit sa isang personal na sit­wasyon.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Tact is knowing how far to go too far.”-- Jean Cocteau

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia