MARAMING nasusuot na devices o mobile apps na nagtatakda ng 10,000 step goals para sa araw-araw, ngunit hindi malinaw kung saan ito nagmula. Isang pag-aaral sa mga nakatatandang babae na nagpapakita na sapat ang 7,500 hakbang sa araw-araw.

Inilathala ang pag-aaral nitong Miyerkules, sa JAMA Internal Medicine journal, na nagpapakita na ang matatandang babae na humahakbang ng 4,400 kada araw ay mas mababang tsansang mamatay kaysa humahakbang lamang ng 2,700, habang patuloy na nabawasan para sa mga humahakbang ng 7,500.

Pinag-aralan ng mga researchers ng Brigham and Women’s Hospital ang mahigit 16,000 babae na nasa edad 72.

Nalaman nila na ang mga partisipante na mas mababa ang hinahakbang sa 25 porsiyento (average na 2,700 steps kada araw) ay mas nanganganib, at sa mga naglalakad nang mas matagal (average na 4,400 steps kada araw) ay 41% mas malayo sa panganib.

Mas bumaba ang panganib sa mga naglalakad ng hanggang 7,500 hakbang kada araw, base sa pag-aaral.

Bukod d’yan, walang kinalaman ang mabilis o mabagal na paglakad sa panganib.

Hindi maihihiwalay ng mga researchers “do more steps lower mortality?” or “do women in better health step more?”. Gayunman, sinubukan nilang isalin ang kaugnayan sa cause-and-effect.

“We hope these findings provide encouragement for individuals for whom 10,000 steps a day may seem unattainable,” ani I-Min Lee, epidemiologist sa Brigham and Women’s Hospital.

-(Xinhua)/PNA