SISIKAD ang ika-10 edisyon ng Le Tour de Filipinas sa Hunyo 14-18, tampok ang 75 riders mula sa 15 koponan.

Ang karera na may temang “10 years of Cycling” ay may basbas ng UCI Category 2.2 events ay may limang stages, na magsisimula sa Tagaytay City sa Hunyo 14 sa 129.50-km bilang Stage 1 at magwawakas Donsol Sorsogon sa pinakamahirap na 145.80kms leg bilang Stage 5.

“The Le Tour de Filipinas continues its advocacy inpromoting international peace, goodwill, health, tourism and environment,” pahayag ni Donna Lina na siyang chairperson ng Le Tour de Filipinas.

Siniguro ni Lina na maayos na ang lahat ng lugar na dadaanan ng karera kung saan ay nakipag ugnayan na sila sa mga local government units ng mga dadaanang bayan at mismong sa Philippine National Police para sa ayuda.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We have already checked all the roads na dadaanan and we also have coordinated na po with our local government units at pati po sa mga kapulisan natin,” kuwento pa ni Lina.

Bago ang Stage 2 sa Hunyo 15, lilipat naman sa Lucena City sa Quezon province ang mag siklista upang doon ay magpahinga para sa 194.90kms race buhat sa Pagbilao patungo sa Daet Camarines Norte.

Ang ikatlong stage naman na magaganap sa Hunyo 16 ay may 183.70kms mula Daet hanggang Legazpi City at ang Stage 4 naman ay may distansiyang 176.00kms mula Legazpi papuntang Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay City.

“It’s the 10th year and like in the previous editions, the riders will face challenges the elements offer, thus squeezing out the best of the best in this sports spectacle on two wheels,” pahayag pa ni Lina.

-Annie Abad