Nasa P5,660,000 halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa tatlong araw na operasyon ng mga ito sa Tinglayan, Kalinga.

MARIJUANA (3)

Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Edgar Apalla at sinabing pinangunahan ng PDEA-Cordillera ang Oplan “Linis Barangay XI” at PNP Oplan "Green Pearl Bravo” ang pagbunot at pagsira ng 28,300 piraso ng tanim na marijuana at 1,000 piraso ng marijuana seedlings sa Butbut Proper, Tinglayan, mula Mayo 27-29.

Naging matagumpay aniya ang nasabing operasyon dahil na rin sa pakikipagtulungan ng PDEA-Kalinga Provincial Office, Tinglayan Municipal Police Station, 1st and 2nd Coy KPMFC, DEU KPPO, PIB at Lubuagan Municipal Police Station.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Gayunman, sinabi nito na wala silang naarestong suspek na paniwala niya ay tumakas ang mga ito nang maramdamang nagsasagawa ng operasyon ang pulisya.

-Rizaldy Comanda