TIWALA sa mga taong katrabaho ang nasa isip ni Shaina Magdayao para mapabilib at mapapayag siyang idirek ng baguhang gaya ni Dwein Baltazar, para sa una niyang proyekto sa iWant, ang Past, Present, Perfect.

Shaina

“Dahil nga ang galing sumulat ng direktor ko, si Direk Dwein, para tuloy ang sarap ma-in love dahil sa mga lines niya,” pahayag ni Shaina sa exclusive interview sa kanya ng iWant Team.

Gaganap na Shantal si Shaina, ang bidang karakter sa nasabing digital series. Makakasama niya sa serye sina Loisa Andalio at Vin Abrenica, na parehong first time niyang makakatrabaho.

Anak nina Manny at Jinkee, mag-aaral na sa London; nagkaiyakan sa airport

Inamin ni Shaina na noong una ay nanibago siya sa umpisa, dahil kapwa mabigat ang roles na ginampanan niya sa mga teleseryeng The Better Half at Asintado, ang huling project niya.

“Although parang nanibago ako kasi, I came from The Better Half, and then I did Asintado after three weeks. So two years straight ‘yun na mahirap ‘yung roles ko. And then bigla na lang akong binigyan ng light [role] na Shantal.

“Internally lang naman ‘yung struggle ko na parang feeling ko hindi ako umaarte. Kasi sanay ako nang nagagalit, umiiyak, sumisigaw, puro [ganung] hugot lagi,” kuwento pa ng aktres.

Ayon kay Shaina, tinanggap din niya ang proyekto dahil kilala na niya ang mga tao sa likod nito.

“I do not regret saying yes, I’m very happy that I said yes. It’s really nice working with people you trust and people that you know na hindi ka pababayaan. I guess at this point, gano’n na ‘yung hinahanap ko eh, kung ano ‘yung relationship ko sa mga tao behind it. And why I’m doing it,” dagdag ni Shaina.

Mapapanood na ang Past, Present, Perfect sa iWant, simula sa Huwebes, May 30.

-Ador V. Saluta