MUKHANG klik ang tambalan nina Rayver Cruz at Kris Bernal dahil sa ikalawang pagkakataon ay muli silang magsasama sa Haunted Wife kasama si Megan Young.

kris at rayver

Matatandaang unang nagsama sina Rayver at Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko na unang teleserye ng aktor sa Kapuso network mula nu’ng nag-over da bakod siya at kasama rin nila si Thea Tolentino.

Sa ginanap na story conference ng Haunted Wife, inanunsiyong suspense/horror naman ang aabangan sa hapon. Hindi lang binanggit kung anong programa ang papalitan nito at kung ano naman ang makakatapat nito sa ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Anyway, maski hindi nasamahan ni Rayver ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez sa bakasyon nito sa Amerika ay okay lang dahil kapalit naman ay trabaho.

Balita nga namin ay laging magkausap ang magsing-irog dahil miss na nila ang isa’t isa.

-REGGEE BONOAN