TUTULAK na ang Orbe Fide-Rated Open Rapid Chess Championships sa Hunyo 15 na gaganapin sa third floor Alphaland Southgate Mall, malapait sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.

ISINAGAWA nina Woman International Master candidate Jerlyn Mae San Diego at Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang ceremonial move para sa pormal na pagsisimula ng 2019 National Seniors Chess Championships kahapon sa Philippine Academy for Chess Excellence office sa Project 6, Quezon City.

Ito ang isiniwalat kamakailan ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director lawyer Cliburn Anthony Orbe sa isang panayam.

Ayon pa kay Orbe ang registration fee ay P500 habang P200 sa Under-14 kung saan ang mga chessers ay may pagkakataon na mapasabak sa Fide-Rated chesssfest na inaasahang ang mga manlalaro na kalapit na probinsiya ay lalahok.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“I have confirmed participants from Metro Manila and nearby provinces,” sabi ni Orbe hingil sa tornena na suportado ng NCFP, Fide at Metro Iligan Chess Club.

Ang magkakampeon ay tatangap ng P10,000 habang ang next fourth placers ay magbubulsa ng tig P7,000, P5,000, P3,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod.

Sa mga nagnanais na makilahok, makipag-ugnayan sa 0918-897-4410 para sa dagdag detalye.

May Special Rapid Chess Match o Center Stage sa pagitan nina 12-time national open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. at Grandmaster Darwin Laylo, ayon kay Orbe.