Patay ang dalawang bata, habang limang sundalo at dalawang sibilyan ang nasugatan makaraang atakehin ng Abu Sayyaf Groupang community dialogue ng militar sa Patikul, Sulu, nitong Sabado.

Anim sa Abu Sayyaf ang napatay sa engkuwentro, habang pito pang bandido ang nasugatan sa Barangay Igasan sa Patikul, bandang 5:35 ng hapon, iniulat ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom).

Kinilala ng Sulu Police Provincial Office (SPPO) ang dalawang nasawing paslit na sina Saiful Abdun, isang taong gulang; at Jahida Usab, 12 anyos.

Dinala naman sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo ang limang sugatang sundalo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa report ng Joint Task Force (JTF) Sulu, isang platoon ng 6th Special Forces Battalion ang nagtungo sa lugar upang kausapin ang mga residente tungkol sa ilang proyekto ng militar nang bigla umanong umatake ang 30 miyembro ng Abu Sayyaf, na pinamunuan umano ng Abu Sayyaf leader na si Mundi Sawadjaan.

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig, at tumagal ito nang 30 minuto.

Fer Taboy at Francis Wakefield