“Maging mabuti at mapagpakumbabang sundalo.”

IKAW NA! Iniabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Saber Award kay 2nd Lt. Dionne Apolog Umalla, ng Ilocos Sur, na nanguna sa 261 sa Mabalasik Class of 2019 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City, ngayong Linggo. RIZALDY COMANDA

IKAW NA! Iniabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Saber Award kay 2nd Lt. Dionne Apolog Umalla, ng Ilocos Sur, na nanguna sa 261 sa Mabalasik Class of 2019 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar, Baguio City, ngayong Linggo. RIZALDY COMANDA

Ito ang naging payo ni Pangulong Duterte sa mga bagong nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ngayong Linggo ng umaga.

Sa graduation ceremony ng 261-miyembrong PMA Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga sundalo sa pagkakaroon ng kababaang-loob, tapang, at katapatan kasabay ng panawagan sa mga itong protektahan ang mamamayan, ang kalayaan, at ang teritoryo ng bansa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Serve your country well. Die for your country if it needs be," saad ng commander-in-chief sa mga bagong commissioned military officers.

"Remember the young Filipinos yet to come, the children and those who are now studying. Huwag kalimutan ninyo ‘yan. And if you think that the country is not run the way it is and if it will destroy your country, you should know what to do. Do you understand me?” aniya, na sinagot naman ng PMA graduates nang, "Yes, sir!"

"Given this reality, I ask you to always remain faithful to your mission: Be a good soldier who will serve the Constitution, protect the people, secure our sovereignty, and preserve the integrity of our national territory," ani Duterte.

Sa pagsisimula ng pagsisilbi ng mga bagong sundalo, pinaalalahan din ni Duterte ang mga ito na itatak sa isipan ang apat na pangunahing bagay: ang manatiling mapagpakumbaba, natuturuan, at kumikilala ng utang na loob.

"Lastly, always look at each other’s backs. In the field, nobody wins alone. Where many old mindsets are fading fast and new ones are coming from the unprecedented sources,” aniya.

Bago ang naging talumpati ng Pangulo, iginawad niya ang Presidential Saber kay 2nd Lt. Dionne Mae Umalla ng Ilocos Sur bilang valedictorian ng PMA class of 2019. Nakatanggap din si Umalla ng sertipiko ng bahay at lupa mula sa Pangulo.

Ipinrisinta rin ni Duterte ang bagong pistol kay Cadet Danmark Solomon, ang PMA goat o ang huli sa order of merit, sa seremonya.

Samantala, naglabas din ang Pangulo ng “pardon” para sa lahat ng outstanding punishments ng PMA underclassmen sa dulo ng kanyang talumpati.

Genalyn D. Kabiling at Beth Camia