Arestado ang isang pastor sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City, ngayong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Dela Torre, 49, ng Cainta, Rizal, na nasamsaman ng 10 pakete ng shabu.

Isinagawa ng Cubao Police Station (CPS) ang operasyon laban kay Dela Torre sa Oxford Street, Barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan, hepe ng CPS-Drug Enforcement Unit, dinampot ang suspek sa aktong inaabot ang droga sa poseur-buyer.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Talagang nagduda muna kami sa una hanggang sa nakabili ang poseur-buyer namin sa suspek." Sabi ni Aquiatan.

Aminado ang pastor na dalawang buwan na siyang gumagamit ng shabu, impluwensiya umano ng mga kaibigan.

"Wala pong nakakaalam na nagbibisyo ako, walang nakakaalam even po mga kamag-anak even asawa ko," aniya.

"'Di po talaga ako, sir. Nagkataon lang na kinapos po ako sa pera." wika ng suspek.

Kinasuhan ang pastor sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Fer Taboy