Sa pagkakasamsam ng P1-bilyon halaga ng shabu sa isang bodega sa Malabon City nitong Huwebes, nagsanib-puwersa ang mga ahensiya ng gobyerno para sa pinaigting na war on drugs sa bansa.

P1-B SHABU SA BODEGA Binutasan ng mga operatiba ng PDEA ang strips ng aluminum pallets, kung saan nakuha ang 146 na kilo ng shabu at nagkakahalaga ng P1 bilyon, na nasamsam sa isang bodega sa Malabon City, nitong Huwebes.  JANSEN ROMERO

P1-B SHABU SA BODEGA Binutasan ng mga operatiba ng PDEA ang strips ng aluminum pallets, kung saan nakuha ang 146 na kilo ng shabu at nagkakahalaga ng P1 bilyon, na nasamsam sa isang bodega sa Malabon City, nitong Huwebes. JANSEN ROMERO

Muling nagkasundo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Customs (BoC) at Philippine Coast Guard (PCG) sa pinaigting na pagpapatupad ng war on drugs ni Pangulong Duterte.

Sa pangunguna nina PDEA Director General Aaron N. Aquino at NCRPO director, Major Gen. Guillermo Eleazar, napagkasunduan ang pagpapatupad ng massive anti-illegal drug operation sa mga pantalan, paliparan at daungan buong bansa, partikular sa Metro Manila.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang shabu, na may bigat na 146 na kilo at pawang nakalagay sa aluminum pallets, ay nasamsam sa bodega na pag-aari ni Pacita Uy sa M. Santos Street, Barangay Santolan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Uy, nanalo siya sa auction sa BoC at idiniretso ang isang container van sa kanyang bodega nitong Mayo 17, 2019.

Lingid umano kay Uy na ilegal na droga ang laman ng van, at agad ipinagbigay-alam ng mga trabahador ni Uy sa PDEA.

Sinasabing may kaugnayan ang mga kontrabando sa mga shabu na nasabat sa Dasmariñas, Cavite noong Pebrero 13, at sa Tanza, Cavite noong Pebrero 3, na nasa P1.9 bilyong halaga ng shabu ang narekober.

Jun Fabon at Orly L. Barcala