“SILA pa, baka nag-away lang,” ito ang tsika sa amin ng taga-Star Magic nang tanungin namin kung hiwalay na sina Sofia Andres at boyfriend nitong Cebu based car-racer na si Daniel Miranda.

Sofia at Daniel copy

Napansin ng netizens na wala na ang mga litratong magkasama sina Sofia at Daniel sa kanyang Instagram account na rati kasi ay lahat ng kilos nila ay nakapost.

Pero may litrato naman sina Sofia at Daniel na magkasama sa Instagram account ng huli at ang huling post ay noong Mayo 2.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Tinext namin ang kampo ni Sofia sa unang araw na nabalitang wala na ang mga litrato nila ni Daniel, at tinanong namin kung hiwalay na pero hindi kami sinagot.

Kaya sa presscon ng Star Magic Circle 2019 ay tinanong namin ang taong may kinalaman sa isyung ito.

Sakto naman kahapon ay may nagtanong kay Sofia kung sila pa ni Daniel at sinagot niya ito ng 100%.

Hmm, feeling namin baka pinagsabihan ng management si Sofia na bawasan ang mga litratong magkasama sila ng boyfriend niya dahil nakakaapekto ito sa upcoming project o loveteam niya kung meron man.

-REGGEE BONOAN