“ATE Reg, Kapuso na ako.” Ito ang simpleng mensahe sa amin ni Aiko Melendez nitong Miyerkules ng gabi.

Aiko copy

Hanggang sa tsinek namin ang kanyang Facebook account at nakita namin ang mga post niya.

“Crossroads” ang post ng aktres nitong Mayo 21, na sinundan niya ng quote mula kay Abraham Maslow: “In any given moment, we have two options: To step forward into growth or to step back into safety.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maraming nag-post na kung ano ang nasa puso ni Aiko ay sundin niya ‘yun. At siyempre, kung ano rin ang payo ng manager niyang si Boy Abunda.

Hanggang sa nag-post ulit si Aiko ng Mayo 22 na fully made-up siya. ‘Yun pala, dumalo siya sa story conference ng bagong programa ng GMA-7 na Prima Donnas, na mapapanood sa hapon.

Ayon sa GMA: “Aiko Melendez returns to GMA-7 after nine years for the upcoming afternoon series, Prima Donnas.”

Nag-post din ang boyfriend ni Aiko na si Zambales Vice Governor-elect Jay Khonghun: “Kamusta mga Kapuso, alagaan n’yo Baby Ko.”

Sinagot naman ito ni Aiko: “Thank you, baby, for playing a big role in my life. The moral support and love is much appreciated. Your baby now is a Kapuso. But will always cherish having a Kapamilya.”

Pagkatapos naman ng story conference ng bago niyang serye, nag-post si Aiko ng pasasalamat sa nine year na pananatili niya sa ABS-CBN, na naging malaking bahagi ng kanyang growth bilang aktres.

Nagpaabot siya ng pasasalamat sa mga boss ng Kapamilya network, at sinabing naging maayos ang pamamaalam niya sa mga ito. Hopeful din ang aktres na dahil “maliit ang mundo ng showbiz” ay makakapagtrabaho rin siyang muli sa ABS-CBN.

“I will forever be grateful, No Goodbyes, only but good words for ABS-CBN:) For now as I embark another journey in my career, I’m looking forward to be playing a Big Part in this new afternoon soap of GMA 7 entitled PRIMA DONNAS. Salamat, mga Kapamilya at Kapuso,” post pa ni Aiko.

Nagka-chat kami ng aktres at nabanggit nga niya na kailangan niyang bumalik sa trabaho matapos siyang tumulong sa pangangampanya ni Vice Governor Jay. Tulad nga ng post niya, single mom siya kaya kailangan niyang kumayod.

Maraming projects na pinakawalan si Aiko dahil sa kampanya ng BF, at wala pa sigurong offer ang ABS-CBN sa kanya kaya tinanggap niya ang serye sa GMA-7.

Gaganap bilang Kendra si Aiko sa Primma Donnas, na itatapat daw sa Kadenang Ginto.

“Ate Reg, katapat namin Kadenang Ginto. Bigat, ‘di ba? Lakas no’n, ‘di ba?” sabi sa amin ng aktres.

Binanggit naming malakas talaga kaya nga magko-crossover hanggang 2020.

“Maganda naman ang role ko, bida-kontrabida sa mga bata,” sambit pa ni Aiko.

Biniro namin si Aiko: “So si Emilia Ardiente (karakter niya sa Wildflower) ang itatapat kay Daniela Mondragon (Dimples Romana)?”

“Oo nga, kaloka!” natawa namang sagot ng aktres.

Si Dimples ang word of mouth ngayon dahil sa nakakairita niyang karakter sa Kadenang Ginto. Tulad ni Aiko bilang si Emilia sa Wildflower, na halos isumpa naman ng mga umaapi kay Lily Cruz.

Nabanggit ni Aiko na humingi siya ng mga senyales kung talagang sa GMA siya, dahil nabanggit niya na aalis siya papuntang Amerika (umalis kagabi).

“Basta ako, teh Reg, work lang ako. Walang personalan. Kasi may needs din ako,” anang aktres.

“Sabi ko, ang balik ko June pa, kung mahihintay nila ako, go ako sa kanila. Eh, umokey sila, hihintayin daw ako, so start na kami taping pagbalik ko, tapos airing ng Prima Donnas ng July,” aniya pa.

Nasa Amerika kasi ang mga anak ni Aiko na sina Andrei Yllana at Marthena Jickain bago pa mag- Mother’s Day, kaya gusto niyang bumawi at pupuntahan niya ang mga ito, at sabay-sabay na silang uuwi.

Susunod din daw ang boyfriend ni Aiko na si VG Jay.

“Oo, para makapag-bonding din sila, at mas lalo pang makilala nila ang isa’t isa.”

Tinanong namin kung kailan sila ikakasal ng bagong bise gobernador ng Zambales.

“Wala pa, Ate Reg, may mga inaayos pa. Siguro next year,” sabi ni Aiko.

-Reggee Bonoan