MAY isyu na naman kay Alex Gonzaga, habang hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez dahil sa isa niyang comment.

Alex copy

Nag-react si Alex sa tweet ng isang netizen na, “Heard Chambe song for the first time and my reaction was: What the f*ck is this trash?! Listening further, I realized who sang it. And it was clear as day... Basura.”

Sagot ni Alex sa maanghang na komento ng basher: “Thank you for still mentioning the basura song! Yahoo! At tandaan, laging may kita sa basura.”

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

May sinagot pang komento si Alex na hindi na mabasa dahil “protected tweet” pero ang sabi ni Alex, “And this tweet makes you clean? Sabi nga nila, kilala ng basura ang kapwa niya basura. PS: Kung ‘di mo fina-follow ang tao ‘wag mo siya itu-tweet, ang papansin lang.”

In fairness, ang sinasabing basura na kanta ni Alex ay may 24M views na at ito ay para sa pamangkin niyang si Seve, na anak nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano.

Kung may hindi natuwa sa Chambe song ni Alex, mas marami naman ang natuwa. Ipinagtanggol din siya ng fans niya sa bashers at payo ng mga ito ay ipinagpapatuloy lang ni Alex ang pagiging kikay niya at ‘wag isipin nang pansinin ang bashers.

-NITZ MIRALLES