Nilinaw ng Department of Education na wala itong planong ibasura o ipatigil ang implementasyon ng Kto12 program.

Ayon sa DepEd, na pinamumunuan ni Secretary Leonor Briones, nagkamali lang ng interpretasyon ang ilan sa pahayag ng Commission on Higher Education (CHEd) na planong isailalim sa muling pag-aaral ang Kto12.

Paliwanag ng kagawaran, ang Kto12 program ay salig sa Republic Act No. 10533, o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013” kaya hindi ito basta-basta maipatitigil o maibabasura.

Ayon sa DepEd, ang pag-amyenda o pagpapawalang-bisa sa programa ay nakasalalay sa Kongreso.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nanindigan din ang kagawaran na mahigit 2.7 milyong estudyante na ang nakinabang sa programa.

Binigyang-diin pa nito na ang pag-repeal sa programa ay may negatibong epekto sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Mary Ann Santiago