MATAPOS n a makapagpakitang-gilas sa katatapos na edisyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), bibigyang kasiyahan naman ng mga manlalaro ng Batangas City at Datu Cup titlist na San Juan ang mga kababayang OFWs sa unang pagsabak ng MPBL sa overseas game na gaganapin sa Dubai sa September 27.

Ito ang kinumpirma ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, sinabing lilipad ang mga opisyal ng nasabing liga sa Dubai pagkatapos ng season opener ng liga sa Hunyo 12.

“Pinayagan na kami ni Senator to fly in on June 13 kasi nga yung organizer, siya rin yung organizer ng concert ni Arnel Pineda,” ani Duremdes.

Napagdesisyunan ng mga organizers na kunin ang San Juan, na naging kampeon sa katatapos na Datu kontra Davao Occidental at ang Batangas City, para sa isang bersiyon ng “Battle of the Champions” ng MPBL sa maraming Pinoy sa United Arab Emirates.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkakaroon din ng Live stream ang nasabing laro na mapapanood sa Dubai at sa Pilipinas ngunit ang laro sa telebisyon ay mapapanood ng huli sa mismong oras ng labanan.

Kasunod ng laro sa Dubai, ay tutungo naman ang MPBL sa Oman para sa isa pang overseas game para sa mas maraming OFW na naninirahan duon.

Kasabay nito ay ipinahayag na rin ni Commissioner Duremdes, ang paglahok ng dalawa pang expansion teams na Bicol Volcanoes at Mindoro Tamaraws.

Ang Bicol Volcanoes, ay imamaniobra ni Coach Monel Kallos na nasa ilalim ng pagmamay-ari ni Gil Orense, habang ang Mindoro Tamaraws ay pag-aari naman ni Justin Tan, at magiging ika- 27 at 28 miyebrong koponan ng nasabing liga.

-Annie Abad