Sinuspinde ng Google ang partnership nito sa Huawei, partikular sa paglilipat ng hardware, software, at technical services, maliban sa mga available via open source licensing.

SUSPENDIDO Naiilawan ang Google logo sa loob ng isang  office building sa Zurich, Switzerland noong Disyembre 2018. REUTERS, file

SUSPENDIDO Naiilawan ang Google logo sa loob ng isang office building sa Zurich, Switzerland noong Disyembre 2018. REUTERS, file

Ito ang sinabi sa Reuters ng source na pamilyar sa usapin, sa matinding dagok sa Chinese technology company na ipinupursige ng gobyerno ng Amerika na ma-blacklist sa buong mundo.

Sinabi ng tagapagsalita ng Google na ang Huawei ay “complying with the order and reviewing the implications” nang hindi nagbigay ng iba pang detalye.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Makaaapekto nang malaki ang suspensiyon sa smartphone business ng Huawei sa labas ng China dahil awtomatikong mawawalan ng access ang tech giant sa mga update sa Android operating system ng Google. Ang mga susunod na bersiyon na Huawei smartphones na pinatatakbo ng Android system ay mawawalan ng access sa mga sikat na serbisyong tulad ng Google Play Store, Gmail, at YouTube apps.

“Huawei will only be able to use the public version of Android and will not be able to get access to proprietary apps and services from Google,” anang source.

Huwebes nang idagdag ng administrasyong Trump ang Huawei Technologies Co. Ltd. sa trade blacklist, at kaagad na ipinatupad ang mga limitasyon na magiging dahilan upang mahirapan ang Huawei na makipagtransaksiyon sa iba pang technology company sa Amerika.

Reuters