Isang kolehiyala, na pamangkin ng magkapatid na pari, ang natagpuang patay at pinaniniwalaang ginahasa pa, sa bahay nito sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ni Lipa City Police chief, Lt. Col. Ramon Balauag, ang biktimang si Fidex Therese Maranan, 21, 4th year student sa isang unibersidad sa lungsod.

Ang hubo’t hubad na bangkay ng biktima, na tinakpan ng kumot at may saksak sa leegm, ay nadiskubre ng kanyang kamag-anak na si Romulo Maranan sa loob ng kuwarto nito sa Miracle Heights Subdivision, Barangay Antipolo Del Norte, dakong 3:30 ng hapon nitong Biyernes.

Posible aniyang tatlong araw nang patay ang biktima, na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinaslang, batay na rin sa autopsy report.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, posibleng kinaladkad ang ulo ng biktima dahil na rin sa nakitang mga sugat nito.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa krimen kaya nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon sa kaso.

Sinabi ng pulisya na ang biktima ay pamangkin ni Monsignor Ruben Dimaculangan, na ngayo’y kura paroko ng St. Therese Parish sa Talisay, Lipa.

Ayon naman kay Father Nonie Dolor, dating radio station manager sa lugar, sinusuportahan na lang ni Dimaculangan at ng kapatid na si Quiel, isa ring pari, ang biktima matapos itong maulila.

Nag-iisa na lang din ang biktima sa lugar dahil nasa kani-kanilang destino ang magkapatid na tiyuhin nito.

Lyka Manalo