Walumpu’t siyam sa 5,009 truck drivers at public transport workers na eneksamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpositibo, sa pagpapatuloy ng ahensiya sa mga sorpresang operasyon, bilang pagsuporta sa kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Duterte.

TSUPER_ONLINE

Kabilang sa mga eneksamin sa droga sa “OPLAN: HARABAS’’ ng PDEA ang 584 na van drivers, 1,507 tricycle drivers, 195 multi-cab drivers, 261 taxi drivers, 616 jeepney drivers, 1,252 delivery truck drivers, 22 habal-habal drivers, 12 local bus drivers, 111 mini-bus drivers, 440 truck helpers, isang truck employee, isang janitor, isang multi-cab operator, limang konduktor, at isang dispatcher.

Dalaga, pinagtataga umano ama-amahan; umawat na nobyo, sugatan din

Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang PDEA ng drug test sa truck drivers.

Ayon kay PDEA Director-General, isinagawa ang drug tests sa mga pangunahing terminal sa bansa, kabilang ang dalawang pinakamalaking pantalan, ang Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Tondo, Manila; at Port of Manila, South Harbor, Port Area, Manila.

Sa kabuuang 1,693 truck workers na isinailalim sa drug tests, 49 na delivery truck drivers, 9 na truck helpers, at isa ang truck employee ang nagpositibo sa shabu at marijuana.

Labing-isang tricycle drivers sa 1,507 ang nagpositibo rin sa droga.

-Chito A. Chavez