BINALIKAN na ni Joyce Pring ang kanyang first love—ang music—at ini-launch niya kamakailan ang kanyang bagong single, ang Baka Sakali.

Joyce

Kilalang Kapuso host, vlogger, writer, at isang World Vision Ambassador, excited si Joyce na similan ang bagong chapter sa kanyang career sa pamamagitan ng isang bagong awitin, na isinulat niya with the help of Rico Blanco.

“For many years, I have enjoyed my work as a broadcaster and TV presenter, but not a lot of people know that my first love was always music and writing,” sabi ni Joyce.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“When I was five, my parents would often go to church and I enjoyed serving in the music ministry. I would dance, and sing, and spend my days basking in whatever creative pursuit I could get my hands on.

“At the age of fourteen, I fronted my first ever band, and we would perform classic rock songs at school events, and in different competitions.”

Ang Baka Sakali ay tungkol sa pagkakasumpong ng pag-asa sa panahong malapit ka nang sumuko.

“I couldn’t be prouder of Baka Sakali. I’m convinced that this is where my heart is: a kind of in-between space that’s courageous enough to admit resolute fears, but also bold enough to say, I’m willing to try again,” ani Joyce.

Isa si Joyce sa anchors ng digital newscast na Stand for Truth kasama ang award-winning broadcast journalist na si Atom Araullo and GMA resident analyst na si Richard Heydarian, at isang bagong grupo ng mga reporter mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Si Joyce ang in charge sa music segment ng online news program.

Isa rin siya sa mga hosts ng Unang Hirit at ng Kapuso Artistambayan ng GMANetwork.com. Mayroon din siyang podcast, ang #AdultingWithJoycePring at nag-a-upload ng mga vlog sa kanyang YouTube channel linggu-linggo.

Maaari nang ma-download at ready na rin for streaming ang Baka Sakali sa iTunes, Apple Music, Spotify, at sa iba pang digital platforms, under Balcony Records.