Nakatodo na ang ginagawang preparasyon ng bansa para sa nakatakdang paglahok sa darating na 30th Summer Universiade na gaganapin sa Napoli, Italy mula Hulyo 3 - 14, 2019.

Nakatakdang magpadala ang Federation of School Sports Association of the Philippines ng delegasyong ipanglalaban sa Summer Universiade na tatampukan ng mga prominenteng university student athletes sa buong mundo.

Nakatakdang lumahok ang mga Pinoy student athletes sa mga sumusunod na events: athletics, archery, diving, swimming, table tennis, lawn tennis at taekwondo.

Si FESSAP Chairman of the Board Alvin Tai Lian ang magsisilbing Philippines Head of Delegation sa Napoli Universiade.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang bagong halal namang FESSAP President na si Angel Ngu ang magiging Flag-Bearer ng delegasyon sa opening ceremonies ng multi-sports biennial spectacle na kinukunsiderang Olympics sa university level.

Ilan sa mga atletang kabilang sa delegasyon ay ang mga archers mula University of Baguio na sina Jayson Mendoza, Allen Raquipo, Loren Balaoing, Andrea Robles, at Shanaya Dangla at ang kanilang head coach na si Alan Elegado.

Kasama rin ang mga lawn tennis players ng Mapua University na nasa ilalim ni coach Antonio A. Quiza na sina Al Sastrillas Quiza, Jomari Gammad, Erinn Lance Dela Cruz at Hannah Geline Dela Cruz.

Kabilang din sa delegasyon si Mapua University athletic director Melchor Divina at David U. Ong, FESSAP Honorary President.

Ang iba pang mga atleta ay ihahayag sa mga susunod na araw ni Professor Robert Milton Calo ang Chairman ng Universiade Preparation and Monitoring Committee na itinataguyod ng Technological University of the Philippines, Bestank, San Miguel Corporation, University of Baguio, Globe Telecom, Megaworld Property at Mapua University. - Marivic Awitan