Ni BRIAN YALUNG

KABILANG ang Pilipinas sa target na pasyalan ni NBA star Dwyane Wade ngayong nagretiro na siya sa Miami Heat.

Sa kanyang social media account, naipahayag ng 37-anyos na si Wade angmga plano para sa siesta, kabilang ang paglipat nila ng maybahay na si Gabrielle Union sa Los Angeles, gayundin ang pagsama kay Heat coach Eric Spoelstra sa Manila.

Ang Miami Heat mentor ay isang Filipino-American.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Coach SpO and I’ve been talking for a while about taking that trip together. Hopefully we can make it happen,” pahayag ni Wade sa kanyang Twitter account.

Maraming tagahanga ang natuwa sa naging mensaheng ito ni Wade.