May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga bagay na importanteng malaman tungkol sa Bipolar Disorder

ALAMIN: Mga bagay na importanteng malaman tungkol sa Bipolar Disorder
Photo courtesy: Unsplash

Ang mental health ay isang aspeto ng kalusugan na ipinagsasawalang-bahala ng marami dahil sa mga haka-haka. 

Ito’y dahil bagama’t mas marami na ang mulat sa kahalagahan ng pagkalinga sa mental health, may iilan pa ring naniniwala na pawang kaartehan lamang ang mga kondisyong nakaaapekto rito. 

Ang pagkakaroon ng ganitong pag-iisip ay nag-uugat sa iba’t ibang problema dahil sa kakulangan sa sapat na kaalaman, atensyon, at paglingap ng isang propesyunal, ayon sa pag-aaral ng journal na “Mental Health Awareness And Generation Gap” na nakalathala sa National Library of Medicine (NIH).

Ayon sa iba’t iba pang pag-aaral, may higit 200 uri ng mental health disorders. 

Isa na rito ang “Bipolar Disorder” na ayon sa Psychiatry.org ay mental health condition na may periodic ngunit matinding estado ng emosyon na nakaaapekto sa mood, enerhiya, at abilidad na kumilos ng isang tao. 

Human-Interest

'Must find' sa kauna-unahang Pokemon Play Hub sa Pilipinas!

Ayon pa sa pag-aaral na ito, ang emotional periods na ito o tinatawag ring “mood episodes” ay kadalasang tumatagal ng ilang araw o linggo. 

Ang mood episodes ay nakakategorya din sa iba’t ibang episodes. 

Una na rito ang manic o hypomanic episodes kung saan ang nangungunang pakiramdam ng isang indibidwal ay matinding saya o pagka-iritable; ang depressive episodes naman ay kung saan nakararamdam ng matinding pagkalungkot o pagkawala ng saya ng isang indibidwal. 

Gayunpaman, mayroon din naman tinatawag na “neutral mood” ang mga taong may diagnosed bipolar disorder, ayon din sa Psychiatry.org. 

Ayon sa World Health Organization (WHO), habang hindi pa natutukoy ang posibleng dulot ng bipolar disorder, ilan sa mga itinuturing na nakaaapekto rito ay biological o genetic, psychological, o kaya’y mga social na mga aspeto. 

Saad pa sa pag-aaral ng WHO, ilang life-altering o mga mabibigat na pangyayari sa buhay ang maituturing na trigger sa mga sintomas nito. 

Ilan sa posibleng kahantungan nito ay ang pangungulila, pagkabayolente, paglabas sa isang relasyon, o kaya’y alcohol o drug dependence. 

Kaya ayon pa sa WHO, habang ang mga sintomas ay maaaring paulit-ulit na mangyari, ang recovery mula rito ay posible pa rin, sa pamamagitan ng maayos na pangangalaga at treatment mula sa mental health professionals, gayundin ang suporta mula sa pamilya ng indibidwal na nakararamdam nito. 

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: Ano ang mga mental health ‘stigma’ na dapat nang iwasan?