Nito lamang Martes, Marso 31, nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga komyuter at motorista hinggil sa pagiging kalmado at mapagpasensya sa pagbiyahe ngayong Semana Santa.
Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng disiplina sa pagmamaneho, kasabay ang pagkapal ng bilang ng mga taong bibiyahe sa pagsisimula ng “Holy Week Exodus.”
“Learn from the lessons of road rage incidents in the past. Wala itong naibubungang maganda at sisirain lang nito ang araw nyo. HIndi kabawasan sa pagkatao at pagka-lalaki ang pagpapasensya para sa kapakanan ng ating pamilya,” saad ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa isang pahayag.
MAKI-BALITA: LTFRB sa mga motorista ngayong Semana Santa: 'Keep your cool, avoid road rage!'-Balita
Dahil sa mga posibleng insidente ng “road rage” o girian sa kalye, bunsod ng inaasahang bigat ng daloy ng trapiko, tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at ng attached agencies nito na sila ay handang umalalay upang magkaroon ng komportable at mas ligtas na biyahe ang mga motorista ngayong Semana Santa.
Sa isang anunsyo nito ring Martes, Marso 31, ibinahagi nila ang hotline numbers na maaaring kontakin ng mga biyahero at motorista kung sakaling sila ay manghingi ng saklolo sa mga transportation agency at departments.
DOTr Commuter Hotline - (0920) 9643687
ROAD TRANSPORT HOTLINES
Land Transportation Office (LTO) - 8-926-4696
Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) - 0956-761-0739
Toll Regulatory Board (TRB) - 0917-187-0347
Office of Transportation Cooperatives (OTC) - 0998-946-1736 / 0977-211-1310
Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) - 0995-433-6386
RAILWAYS HOTLINES
DOTr Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) - (02) 8929-5347
Philippine National Railways (PNR) - 5319-0044
Light Rail Transit Authority (LRTA) - (02) 8647-3452 / 0917-325-3452
Light Rail Manila Corporation (LRMC) - (02) 5318-5762
AVIATION & AIRPORTS HOTLINES
Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) - 0968-870-4221
Civil Aeronautics Board (CAB) - 165-66
Office for Transportation Security (OTS) - 0960-461-6877
Manila International Airport Authority (MIAA) - 0917-839-6242
New NAIA Infra Corp. (NNIC) - 0917-173-6242
Clark International Airport Corporation (CIAC) - (045) 599-2889
Clark International Airport (CRK) [Pampanga Line] - +63(45) 598-3210
Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) - (032) 520-6008
MARITIME HOTLINES
Philippine Coast Guard (PCG) - (02) 8527-8481 to 89 / 0966-217-9610
Maritime Industry Authority (MARINA) - 0939-953-4642
Philippine Ports Authority (PPA) - (0632) 8-527-8374
PPA Helpdesk No. - (0632) 5-301-9453 up to 54
Cebu Port Authority (CPA) - (032) 316-6281 loc. 2000 / 0917-822-0471
“Ingat po, mga ka-sakay!” pagtatapos ng DOTr.
Photo courtesy: MB