May 22, 2026

Home BALITA National

Atty. Guanzon kay Sen. Padilla: 'Na-judge kita noon pero bilib ako sa 'yo ngayon!'

Atty. Guanzon kay Sen. Padilla: 'Na-judge kita noon pero bilib ako sa 'yo ngayon!'
Photo courtesy: Atty. Rowena Guanzon, Robin Padilla (FB)

Nakarating sa kaalaman ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner na si Atty. Rowena Guanzon ang pagsuporta sa kaniya ni Sen. Robin Padilla sa intensyon niyang tumakbong senador sa 2028, na mukhang lilinya sa tiket ni Vice President Sara Duterte na nagpahayag na rin ng pagkandidato bilang Pangulo.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Marso 31, ibinahagi ni Padilla ang kaniyang pananaw bilang isang Muslim, kung saan binigyang-diin niya na hindi niya ikinagagalit ang mga pangungutya o panlalait na natanggap niya, kabilang na ang pagtawag umano sa kaniya bilang “low IQ" o may mababang intelligence quotient.

Ayon sa senador, sa paniniwala ng Islam, ang mga taong nakararanas ng pang-aapi ay pinagpapala at may gantimpala mula sa Allah.

"Hindi ko po ikinakasakit ng damdamin ang mga ipinupukol sa akin bagkus ako po ay naliligayahan dahil katulad ng sinapit na pag maltrato sa propeta muhamad saw ay tumataas pa ang aking pananampalataya at ipinagdarasal ko na lamang ang nararamdaman na pang aapi."

"Si atty guanzon ay kailangan ni VP sara duterte at ng mga Pilipino," aniya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Binigyang-diin din ng senador ang kakayahan ni Guanzon, na aniya’y maihahalintulad sa ilang kilalang abogado sa bansa tulad nina Vic Rodriguez, Salvador Panelo, Harry Roque, Larry Gadon, at Jimmy Bondoc.

Dagdag pa ni Padilla, hindi mahalaga ang papuri ng mundo kundi ang paghuhukom ng Allah. “Never mind the praises of this world. What matters is the judgement of Allah,” aniya.

Sa huli, muling iginiit ng senador ang kaniyang panawagan ng suporta kay Guanzon sa 2028.

Matatandaang noong Linggo, Marso 29, muling ipinagsigawan ni Guanzon na tumakbo hindi man siya tumakbo bilang senador, mananatili ang suporta niya para kay Vice President Sara Duterte, na nagpahayag naman ng intensyong kumandidato sa pagkapangulo sa 2028.

Bago nito, sa isang event ay nagpahayag na rin ang abogado sa intensyon niyang tumakbo sa pagkasenador.

Maki-Balita: Sen. Robin kahit sinabihang 'low IQ' noon, suportado para senador si Atty. Guanzon!

REAKSIYON NI GUANZON

Nagbigay naman ng reaksiyon su Guanzon sa naging pahayag ni Padilla para sa kaniya. Ibinahagi ng abogado ang post nig senador at kinomentuhan.

"na-judge kita noon pero bilib ako sayo ngayon. Saludo sa supremo," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Atty. Rowena Guanzon/FB

Sa isa pang post, sinabi ni Guanzon na hindi niya bibiguin ang suportang ibinigay sa kaniya ng senador.

"Hindi kami nag uusap pero bilib na bilib ako sa paninindigan ni Sen. Robin Padilla sa pagtindig sa desisyon na suportahan ako kahit may mangilan ngilan na di siya maintindihan at may pag aalinlangan saakin," aniya.

"Part of me ay hiya sa mga nasabi ko sa kanya dahil aminado ako, nasa puso niya talaga ang paglilingkod, yun yung di ko nakita noon, yan yung nagpausisa saakin bakit yan naging #1 senator nung 2022 kahit walang pera na nilabas na kahit bestfriend ko na abogada at classmate sa UP College of Law ay binoto siya."

"Ang maipapanga ko lang sayo Sen, Hinding hindi kita ipapahiya sa pagtaya mo saakin," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Atty. Rowena Guanzon/FB

Hindi ito ang unang beses na "kumambyo" si Guanzon patungkol kay Padilla na una na niyang "nilait" sa pagtakbo bilang senador noong 2022.

Noong Setyembre 2025, nagkrus ang mga landas nina Guanzon at Padilla at dito, sinabi ng abogado na naiintindihan na raw niya kung bakit naging numero unong senador ang aktor noong 2022.