HEAD turner ang nakaparadang puting Mercedez Benz sports car sa harap ng isang coffee shop sa Gateway Mall. Ang gara talaga ng sasakyan, at huli na nang maisip naming kunan ng litrato.

Lumabas kami ng coffee shop para abangan ang kasama namin at noon nga namin napansin ang sports car, dahil pinagmamasdan din pala ito ng mga tao sa lugar.

“Kanino kaya ‘yan? Ang ganda!” sabi nila.

Sinipat-sipat namin ang sasakyan, at hula nga namin ay basketbolista ang may-ari, kasi nga malapit kami noon sa Smart Araneta Center, at baka ipina-valet parking lang.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Pero laking gulat namin nang dumating na ang may-ari nito, na ngumiti naman sa lahat bago sumakay sa kanyang sports car, sabay alis.

Si Meryll Soriano ang may-ari ng magarang Mercedez Benz, na inakala rin ng lahat ay lalaki ang nagmamaneho. Ha, ha, ha! Bale ba lahat ay nag-abang kung sino ang may-ari sa sasakyan, kasi nga naka-hazzard lang, ibig sabihin ay sandali lang ang pagkakaparada nito.

Mana pala si Meryll sa tatay niyang si Willie Revillame, na mahilig sa magagara at mamahaling kotse.

-REGGEE BONOAN