MALAKI ang posibilidad ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas 3x3 program director Ronnie Magsanoc na ang mga manlalaro mula sa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 na maging kinatawan ng Pilipinas sa halfcourt event sa darating na 2019 Southeast Asian Games.
“That is a big possibility,” wika ni Magsanoc.
Ayon kay Magsanoc, hindi pa nya batid ang magiging panuntunan ng SBP sa 3x3 event na gaganapin sa FilOil Flying V Center, ngunit tiniyak nyang kinikunsidera ang mga Chooks players dahil na rin sa sa nilang FIBA 3x3 rankings.
Nasa Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 ang Top 20 players ng bansa na pinangungunahan nina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.
Kasama nila sa hanay sina Leonard Santillan, Troy Rike, Karl Dehesa, Jaypee Belencion, Arvin Tolentino, Sean Manganti, Anton Asistio, Ron Lastimosa, Dylan Ababou, John Wilson, Larry Muyang, Roosevelt Adams, Leo De Vera, Paolo Hubalde, Jojo Cunanan, Chris De Chavez, Jan Jamon, at Rey Suerte.
“That is also an option. Yung mga nasa Chooks-to-Go, most of them have made it to the top one-hundred already,” ayon pa kay Magsanoc. “They will always be considered even a part of the pool because of their ranking.”
Ayon naman kay Chooks 3x3 league owner Ronald Mascariñas, nakahanda sila anumang oras na ibahagi ang kanilang pool of players para sa national team.
“We are publicly offering the field for SBP. All the players who played in our Chooks-to-Go league are available. Even if there’s an ongoing tournament, if the country needs our players, we will release them for the country.”
-Marivic Awitan