MATAPOS i-announce ng GMA ang pagbibidahang serye ng newest Kapuso actor na si Derek Ramsay na The Better Woman, katambal ang sexy actress na si Andrea Torres, kaagad na sumabak sa look test ang dalawa bilang paghahanda sa kanilang programa.

Andrea at Derek copy

Kasama rin sa look test si Ina Feleo at makikita sa naglabasang photos na kumportable ang tatlo sa isa’t isa kahit first time nilang magsasama-sama sa isang proyekto.

Happy si Derek dahil sign daw ito na magiging smooth ang kanilang samahan tuwing taping.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“You get to see the other side of her [Andrea], which to me is very, very important,” sabi ni Derek.

“If you want to build a bond with your leading lady, you should know who she is—her showbiz side and her real side.”

Aminado naman si Andrea na pinaghandaan niya talaga ang kanyang bagong show, at gagawin niya ang lahat para mabigyan ng justice ang pagganap niya sa serye.

-Mercy Lejarde